Pages

Sunday, 25 October 2015

Pagsusulong ng K-12 sa Pilipinas.

K+12 sa Pilipinas 

Ito ang programang ipatutupad ng pamahalaan at ng DepEd na naghahangad para ating mga kabataan at ang pantayan na sistema ng edukasyon. Ito ay may karagdagang grade 11 at 12 na nagnanais ihanda ang mga mag-aaral pagkatapos ng high school, kung nais na nilang magtrabaho at hindi agad magtuloy ng kolehiyo, o upang maging handa sa mundo ng pagnenegosyo, o ang mas maging handa para sa kolehiyo mismo. Sa panahon ngayon ay kinakailangan magtapos ang ating kabataan o mag-aaral ng kolehiyo para makapagtrabaho. Gaya ko na nasa ika-apat na baitang sa sekundarya. Ako ay nasasakupan ng K-12, hindi ito madali para sa akin dahil sa dami ng gawain hindi ko nagagawa ng mabuti, kulang din sa pagpappahinga at pag aasikaso ko sa mga gusto kong gawin na hindi sakop ng edukasyon.


Sino nga ba ang sakop at maapektuhan ng K-12?  

Ang masasakop ng K-12 na ito ay ang mga pumasok ng ika-pitong baitang noong taong 2012 at sa mga darating pang taon. Ang K-12 ay tuloy na tuloy dahil ang karamihang paaral sa bansa ay nakapagpundar na ng paaralan at mga kagamitan ng gagamitin ng mga mag aaral na papasok sa Grade11 and 12. May mga ibang paaralan din na marami pang kakulangan sa silid aralan at gamit para sa pagdating ng mga estudyante na papasok sa Grade 11 and 12. 



Layunin ng K-12 Curriculum.             

Sa aking nalalaman, ang K-12 ay naglalayong baguhin ang sistema ng edukasyon sa ating bansa. Sa buong asya tanging ang 
Pilipinas na lamang ang mayroong sampung taon ng basic education, kaya naman ipinatupad ng pamahalaan 
at ng DepEd ang K-12 Kurikulum. Sa programang ito, nagkaroon din ng junior highschool (grade 7-10) at senior highschool (grade 11-12). Noong taong iyon 2012, maraming nagsasabi na nagkulang ang pamahalaan sa mga paghahanda, ngunit sa nakalipas na buwan ngayong taong ito, may iilang nagsasabi na hanggang ngayon ay kulang pa rin ang mga libro na akma sa bagong kurikulum na gagamitin ng mga magaaralyon, bagamat  inamin ng  Kagawaran ng Edukasyon, na naantala ang pagpapadala ng mga materyales na kailanagan sa mga ibang pampublikong paaralan. 

Kalagahan ng pag aaral sa Sistemang K-12 Curriculum.


Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga sumusunod:

  • Guro-Makakatulong ang pananaliksik na ito sa mga guro na madagdagan ang abilidad nila sa pagtuturo. Mapapataas ang kalidad ng edukasyon at mahahasa sila sa paraan ng kanilang pagtuturo.
  • Mag-aaral-Malaki ang maiaambag ng pag-aaral na ito sa mga mag-aaral dahil madaragdagan ang kanilang kaalaman, mapagsisikapan pa nila ang kanilang pag-aaral. Mapagtitibay din ang relasyon ng guro at estudyante.
  • Pamahalaan- Malaki ang maiaambag ng resulta ng pag-aaral na ito sa pamahalaan dahil malalaman nila kung ano ang magiging resulta o bunga ng paksa. Bukod dito, mapag-aaralan din nila ang pamamalakad  ng edukasyon at dapat isaalang-alang sa bawat desisyon na kanilang gagawin. At lalong mapapaunlad din nila ang kanilang edukasyon.